Annoucement:Hello guys! This website is for my random stories that will not be posted on Wattpad. Thank you and enjoy!

That One Summer (Part 2)

Author's Note: This is the continuation of That One Summer. Thank you and enjoy!

Haven't read the first part? That One Summer (Part I)
***


After almost 1 year.....





May mga bagay na magpapatunay sa atin na wala talagang permanente sa mundong ito. I used to hate Province, I find it boring, cheap and gross but that was a big mistake.

We can't never compare the nature of Province to City. Marami akong napagtanto sa ilang buwan na pananatili ko sa Probinsya, mga bagay na hindi ko inakala at isang taong bumago sa akin at sa buong pagkatao. A lot of things had changed because of That One Summer.

"Are you sure?"

Napabuntong hininga na lang ako bago isinara ang maleta ko at binalingan ng tingin si Mommy.

"100 Percent." I answered back.

Mas gugustuhin ko na lang muling magbakasyon sa Probinsya ni Kuya Betong kesa sa mangibang-bansa.

"Ano bang nagustuhan mo sa Probinsya at naengganyo kang bumalik?" Natatawang biro naman ni Daddy na nakatayo sa pintuan. "Parang kailan lang ay halos kaladkarin ka namin papunta roon." Dugtong pa nito.

Tama, kailan lang ‘yon pero sa loob lang din ng maikling panahon, nagbago ang papanaw ko.

"Jen, Tara na?"

Napatingin kami sa labas ng pinto kung saan nakatayo si Kuya Betong. Tumango ako kaya kinuha nya ang maleta ko at ibinaba na.

Humalik ako sa pisngi nina Mommy at Daddy bago sumunod kay Kuya Betong. Pagkapasok ko sa kotse ay hindi ko mapigilang maexcite. Maging si Kuya Betong ay alam kong excited, hindi pa kasi sya nakabalik sa probinsya nila at nagpapadala lang sya ng pera.

"Asan ang phone mo?" Pang-aasar nya sa akin.

Humagikgik ako nang maalala na iniwan ko ito sa bahay.

Nagbyahe kami nang ilang oras bago ko natanaw ang familiar na lugar pero may mga nagbago na rin.

Lumawak ang ngisi sa aking labi nang matanaw ko na ang mga kubong bahay ng mga nakatira rito.

"Mapunit bibig mo"

"Tse!"

Pagkahinto namin sa bahay nila Kuya Betong ay mabilis na lumabas ako at iniwan sya sa loob ng van.

Pagkapasok ko ay ang nadatnan ko lang ay si Lola, sobrang natuwa ito nang makita kami ni Kuya Betong, hindi katulad dati na nagbeso ako ay nagmano na ako ngayon.

I love mano!

"Wala ata si Mike?" Tanong ni Kuya Betong nang sumilip sya sa kwarto ni Mike.

Hindi ako kumibo, naghintay lang ako sa sagot ni Lola.

"Nasa bukid," sagot ni Lola.

Halos tumalon ako sa tuwa nang marinig ko ang bukid. Nahalata ata ni Kuya Betong ang naging reaksyon ko kaya humalakhak sya.

"Nagmumukha kang batang excited sa candy," Panunukso nya.

Kumain muna kami dahil tanghali na rin. Habang kumakain kami ay kating-kati na ang paa kong pumunta sa bukid.

Damn!

"Samahan na kita?" Alok ni Kuya Betong kaya mabilis akong tumango.

Hindi katulad dati ay humaba ng konti ang buhok ko at pumuti pa ng konti, alam kong mas gumanda ang katawan ko dahil na rin sa nag-diet ako. Prepared ako. Haha.

"Hintayin mo naman ako!" Sigaw ni Kuya Betong nang bigla akong mapatakbo sa excitement.

"Bilisan mo kasi!" Naiinip kong sambit.

Tumawa lang ito bago binilisan pa ang lakad. Hindi sa kalayuan ay tanaw ko na ang malawak na bukirin.

"Jen?"

Napatingin ako sa tumawag sa pangalan ko. As usual ay maputik pa rin ito.

"Jerald!"

Napaatras sya nang bigla akong yumakap sa kanya ngunit bigla nya akong itinulak ng bahagya.

"Mapuputikan ka." Paalala nya na halata pa rin ang gulat sa ginawa ko.

Hindi ko mapigilang mapangiti.

"Si Mike?" Tanong sa kanya ni Kuya Betong.

"Nasa bukid nyo," sagot nito kaya nagpaalam na ako at hinila na si Kuya papunta sa bukid.

Hindi kalayuan ay natanaw ko na ang lalaking nakatalikod sa akin at nakayuko sa lupa. Nagtatanim ng palay.

Malakas na kalabog sa dibdib ko ang kumawala at parang napako ako sa kinatatayuan ko. Kung hindi pa ako hinila ni Kuya ay baka hanggang ngayon ay nakaistatwa pa rin ako.

"Mike!" Tawag ni Kuya sa kanya.

Parang nag-slow motion ang paligid nang lumingon ito sa amin. Nakakunot ang noo nito bago napangiti at halos takbuhin na nya ang daan patungo sa amin.

Katulad pa rin ng dati, wala syang pang-itaas at tanging pantalon lang ang meron sya. Napasinghap ako nang makalapit na sya sa amin at yumakap kay Kuya Betong.

Damn!

"Na-miss mo ako?" Biro sa kanya ni Kuya.

Kumawala ito sa pagkakayakap at tumingin sa akin. Halos mabingi na ako sa lakas na kalabog sa dibdib ko na kumakalat sa buong sistema ko. Halos manlambot ako nang ngumiti ito.

Fuck!

"Jen." Halos himatayin ako nang banggitin nya ang pangalan ko.

Mike!

"M-Mike." Nagulat ako nang hinawakan nya ang kamay ko kahit na maputik ang kamay nya.

Tinabig ni Kuya ang kamay nya na ikinabusangot nito. "Ang putik ng kamay mo. Maghugas ka muna!" Pangaral sa kanya nito.

Naiiling na kinuha nya ang galloon ng tubig at hinugasan ang kanyang kamay.

"Mike!"

Napalingon kaming tatlo nang biglang sumulpot ang isang babaeng may dalang limang daga na hawak nya sa buntot.

"Wow! Ang galing mo talagang manghuli, Mary." Humalakhak si Mike na kinuha ang mga daga na patay na at ipinatong ito sa isang plato.

Tumaas ang aking kilay sa naganap.

"Kuya Betong?!" Nanlaki ang mata nito nang mapatingin kay Kuya.

Halos masubsob ako sa lupa nang binangga ako nito at lumapit kay Kuya Betong. Hindi naman nila napansin ang ginawa ni Mary dahil tumatawa ang magkapatid.

Ayoko ng away. Layuan mo ako, tukso.

"Dalaga ka na ah!" Puri sa kanya ni Kuya. "Parang kailan lang ay nakikita kitang naglalaro sa putikan." Humalakhak si Kuya matapos banggitin 'yon.

Andito ako, baka nakakalimutan nyo.

"Ahh sya nga pala Mary..." Tumingin sa akin si Mike. "Si Jen, anak ng amo ni Kuya." Pagpapakilala ni Mike sa akin.

Isang malaking ngiti ang ipinakita ko sa kanya ngunit isang taas ng kilay ang isinukli nya.

Aaminin ko na maganda ito, morena pero aaminin ko rin na wala syang binatbat kapag ikinumpara na sa akin. Magmumukha syang basahan.

Calm down, Jen.

"Jen?" Ulit nito.

"Oo, sya 'yong kinukwento ko sa'yo na nagbakasyon dito." Sagot ni Mike.

"Hindi ko matandaan." Mapaklang sagot nito, kasing pakla ng ugali nya.

Muli itong humarap kay Mike at ikinawit nya ang kanyang braso sa braso nito at halos mag-super saiyan ako sa galit.

Don't me, Mary. Don't me.

"Sige iluluto ko na ito." Pagputol ni Kuya sa namumuong sama ng panahon.

Nakaupo lang ako sa ugat ng puno habang pinagmamasdan si Kuya Betong na nagluluto ng daga.

"Lima lang ang daga, kulang sa atin." Biglang sambit ni Mary.

Napatingin naman sa kanya si Mike na nag-aayos ng kanyang mga gamit. "Bakit naman kulang? Lima naman 'yan?" Naguguluhang tanong ni Mike.

"Dalawa sa'yo, dalawa sa akin, isa kay Kuya Betong."

Wala ako ganon?

"Nyek? Sakto lang 'yan, salo-salo naman tayo." Sagot ni Kuya Betong na busy pa rin sa pagluluto.

"Kumakain ba sya ng daga?" Tanong ni Mary.

Napatayo naman ako at taas-noong tinitigan si Mary. "Ako pa? Favorite ko 'yan--- Favorite namin ni Mike." Sagot ko.

Humalakhak si Mike sa sinabi ko kaya hindi ko maiwasang mapangiti. Umupo na akong muli at kinalma ang sarili ko.

"Marunong kang manghuli? Ako marunong!" Pagmamayabang nito.

"Gusto mo hulihin kita?" Asar na sagot ko. "Daga ka naman e.." bulong ko.

Kumain kami at ang Mary na ito ay sinusubuan pa si Mike na medyo naiilang na. Tumingin ako kay Kuya na nakatingin din sa kanila.

"Ako rin, subuan mo!" Pabebe nito.

"H-Huh?" Nahihiyang sambit ni Mike.

"Ano ka ba Mike? Sabi nya subuan mo raw sya.... ng bato." Siniko ako ni Kuya Betong kaya kumain na lang akong muli.

Pagkatapos naming kumain ay napagpasyahan naming maglibot since matagal na rin kaming hindi nakakagala rito ni Kuya Betong. Syempre kasama si Mary na nakadikit kay Mike.

Lintang Pabebeng Daga.

Marami ring kilala si Kuya Betong at halatang kilala talaga ang magkapatid sa baryo nila. Nakikipag kamay pa ito sa mga nakakasalubong nya na animo'y nangangampanya.

Habang si Mary? Nakikiepal.

"Lagi na lang kayong magkasama ni Mike a." Sambit ng isang lalaki sa dalawa. "Baka naman iba na 'yan ah.." Pang-aasar nito na ikinahagikgik ni Mary.

"Kayo naman, hindi naman dapat minamadali ang mga bagay-bagay." Pabebe ni Mary.

Tama, hindi naman talaga dapat madaliin ang mga bagay pero dahil sa ginagawa mo baka buhay mo ang mapadali. Pabebeng linta.

"Sino 'yang kasama nyong mukhang artista?"

It's time for me to shine.

"Ako po si Jen." Magalang na sagot ko.

"Artista ka ba hija?" Tanong nito.

"Hindi p-"

"Mukha lang po." Putol ko kay Mary na ngayon ay nakanguso na.

Ano ka ngayon?

"Sige ho, mauna na kami." Pagpapaalam ni Mike.

Bumalik na rin kami sa bahay at sumama pa rin si Mary kahit na sinabihan na sya ni Kuya Betong na umuwi na dahil gabi na rin.

Nagmano kami kay Lola pagkapasok namin sa loob.

"Oh, Mary. Bakit hindi ka pa umuuwi? Gabi na a." Sabi ni lola na halos ikahalakhak ko.

Uwi na kasi e.

"Sige po." Pagpapaalam ni Mary.

"Sandali!" Pigil sa kanya ni Mike. "Hatid na kita." Prisinta nito.

Halos mapapadyak ako sa pagkadismaya kaya humabol ako sa kanila. "Sasama ako." Sabi sa kanila.

"Bakit sumama ka pa? Kaya naman ni Mike ang sarili nya." Sambit ni Mary na halatang naiinis.

"Hindi naman ako nag-aalala kay Mike... sayo." Sagot ko. "Baka kasi mapagkamalan ka nilang daga." Dugtong ko.

"Jen!" Pagbabanta ni Mike kaya napaismid na lang ako.

What?

"Ang sama mo naman! Nasaktan ako roon. Ang bait-bait ko nga sa'yo tapos ako tinatarayan mo." Pag-iinarte nito.

OH.MY.GHAD.

Pabebe nga.

"Shh. Nagbibiro lang sya, Mary." Sabi ni Mike sa kanya.

Kinawit nitong muli ang kanyang braso sa braso ni Mike. Hindi na lang ako nagsalita at iniwas na lang ang aking tingin.

"Sige, bukas na lang." Hinalikan nito sa pisngi si Mike at mukhang hindi naman nagulat si Mike na animo'y sanay na.

Ouch. Sakit.

"Tara na?" Aya sa akin ni Mike. Hindi ako sumagot at tahimik lang na naglakad pabalik.

Tahimik na naglalakad lang kami nang pinutol na ni Mike ang katahimikan.

"Bakit bumalik ka pa?"

Isang matalim na patalim ang tumusok sa dibdib ko at literal na napahinto ako sa paglalakad kaya huminto rin sya.

"D-Diba sabi ko babalik ako?" Nauutal kong sambit.

Hindi ko pa rin mapigilang masaktan sa tanong nya. Ayaw na ba nya akong bumalik?

"Ano bang babalikan mo rito? Di ba ayaw mo rito?"

Tangina naman, Mike! Huwag ka namang ganito.

Lumipas ang mga araw at iniwasan ako ni Mike ngunit kapag kaharap namin si Kuya Betong ay kinakausap nya ako, kahit na saglit lang.

"Aray naman!" Angal ko nang itinulak ako ni Mary dahilan ng pagkasubsob ko sa Putikan sa bukid.

"Sorry..."

"Sorry?!" Ginaya ko ang ginawa nya at itinulak ko sya pero mahina lang.

Sumigaw ito ng malakas at halos ilubog nya na ang sarili nya sa putikan. Anong palabas ito?

"Mary!"

Biglang dumating si Mike at inalalayan si Mary na makatayo. Humagulgol na napayakap ito kay Mike.

Isang masamang tingin ang ipinukol sa akin ni Mike.

"Itinulak nya ako." Sambit ni Mary.

"Bakit mo naman sya tinulak?!"

Nagawa kong ngumiti kahit na parang pinupunit na ang lamang loob ko sa mga sinasabi ni Mike.

"Itinulak ko sya dahil gusto ko! Itinulak ko sya kahit na hindi naman nya ako itinulak. Itinulak ko sya dahil masama ako. Itinulak ko sya...." Halos mapiyok na ako ngunit nanatili akong nakatayo. "Itinutulak ko sya palayo sa'yo." Tumalikod na ako at nagmadaling umuwi.

Ang sakit.

Lumipas ang ilang araw at ganon pa rin. Lagi akong sinisigawan ni Mike, laging nakikita nya ang mali ko.

"M-Mike kain na raw." Tawag ko kay Mike na nasa labas at nakatingin sa kawalan.

"Kailan ka aalis?"

Parang nabarahan ang aking lalamunan ng bato at tinusok ng milyong karayom ang dibdib ko.

"Hindi sya aalis." Nagulat ako sa pagsulpot ni Kuya Betong na nakakuyom ang kamao.

Hinawakan ko ang braso ni Kuya kahit na nanginginig ang katawan at puso ko. Halos dumugo na rin ang labi ko dahil sa pagkagat ko mapigilan lang ang pag-agos ng luha ko.

"Akala mo ba hindi ko nakikita, Mike? Nakikita ko ang ginagawa mo kay Jen! Tangina, anong nangyayari sa'yo?!"

"Maghihintay ako..." Tumingin si Mike sa akin. "Hihintayin ko ang pag-alis mo."

Halos tulala na lang ako kapag kinakausap ni Lola at Kuya Betong pero pinipilit kong ngumiti.

Pinipilit kong ngumiti kahit na pinupunit na ang puso ko. Pinipilit kong magpakatatag kahit na sumusuko na ang katawan ko. Pinipilit ko dahil gusto ko.

"Ano bang hindi mo maintindihan sa salitang ayaw na kitang makita?!" Muli nyang sigaw sa akin nang minsang sinundo ko sya sa kapatagan dahil naglalasing sya.

"Lasing ka na."

Nagulat ako nang kinaladkad nya ako papunta sa walang tao. Pabagsak na binitawan nya ako at buti na lang ay nakahawak ako sa puno dahil baka napaupo na ako sa lupa.

"Huwag mong ipagpilitan ang sarili mo! Wala kang lugar sa mundong ito.... sa mundo ko."

"Ayoko!"

"Putangina!"

"Sampalin mo ako, yayakapin kita. Itulak mo ako, hahalikan kita. Pagtabuyan mo ako, papakasalan kita. Mamamatay muna ako, bago ka makuha ng iba!"

"Pwes, Mamatay ka na!"

Parang nabingi ako sa sinabi nya pero pinili kong isara ang isip ko. Ayokong lunukin ang sinabi nya. Damn! Hindi ko kaya.


Hindi ko alam na lahat pala ay may hangganan. Lahat ng bagay ay may limitasyon.

Ibinabad ko ang paa ko sa batis at umiyak nang umiyak. Gusto kong sumigaw ngunit parang wala na akong lakas pa. Nakayuko lang ako habang umiiyak.


"Sigurado ka ba?" Tanong sa akin ni Lola at Kuya Betong.

Tumango na lang ako. Napagpasyahan ko ng umalis bukas. Wala naman na akong lugar dito. Nagsawa na akong ipagpilitan ang sarili ko. Sirang-sira na ako sa sarili ko.


Lumabas muna ako para magpahangin. Umupo ako sa bermuda grass at tumingin sa kalangitan.

Wala nga talagang permanente sa mundong ito. Even feelings.

Hinayaan kong muling dumausdos ang aking luha mula sa mga pagod kong mata.

"Sa wakas, nagising ka na rin."

Umupo sa tabi ko si Mike ngunit hindi ko man lang sya nagawang tapunan ng tingin. Baka kapag tumingin ako sa kanya ay masaktan na naman ako.

Pagod na pagod na ako.

"Hindi na ako babalik." Walang emosyon kong sambit.

Natawa sya sa sinabi ko pero halatang mapait 'yon.


"Tama lang ang desisyon mo. Wala kang mapapala sa lugar na ito. Kumbaga, langit at lupa ang pagitan namin sa iyo."

"Langit? Lupa? Pareho lang 'yan. Sa langit ka nagmula, nanirahan sa lupa, babalik muli sa langit."

"Umalis ka na lang, huwag ka ng magpaalam."

Kinabukasan ay hinatid na ako ni Kuya Betong sa sakayan. Hindi ko na sya pinasama dahil alam kong gusto nya pang manatili.

"Sorry.." mahinang sambit ni Kuya Betong.

Ngumiti ako sa kanya. "Wala 'yon. Salamat sa lahat. Pakisabi na lang sa kanya. Salamat." Aktong sasakay na ako sa bus nang hinawakan nya ang braso ko.

"Para sa'yo ang lahat ng ginawa nya, tandaan mo 'yan. Sana mapatawad mo sya."

Pagkasakay ko sa bus ay tumingin ako sa labas. Habang palayo kami ng palayo sa lugar ay mas sumisikip ang dibdib ko.

Hindi na ako babalik, hindi ko na babalikan ang sakit. Paalam, Mike.

---**---

Pagkapasok ko sa bahay ay agad na tumambad sa akin ang mga basag na bote ng alak.

Nakaupo sa sahig ang kapatid kong si Mike. Ramdam ko ang sakit na nararamdaman nya. Dinig ko ang hikbi ng pait.

"Wala na sya." Mahinang sambit ko.

"Salamat, Kuya." Tumingin sya sa akin. Ang mga magang mata nya na ngayon ay lumuluha. Alam kong gabi-gabi rin syang umiiyak. Nagigising ako bawat gabi at naririnig ko ang mahinang hikbi nya na halatang iniipit nya.

"Sana lang, hindi ka magsisi sa ginawa mo."

"Hindi... hindi ko kailanman sisisihin ang sarili ko dahil akam kong ginawa ko ang lahat para magising sya..... kahit na ikamatay ng puso ko."

"Ayusin mo ang sarili mo, aalis ka na sa lunes. Inayos ko na ang passport mo, lilipad ka na ng America para roon mag-aral."


-Wakas-

Comments

  1. Woahhh! Yung hinihintay ko 😍

    ReplyDelete
  2. Blogger ka na kuya! Congrats! Hahahaha

    ReplyDelete
  3. Saket hindi happy ending πŸ’”♥

    ReplyDelete
  4. Naiimagine kita kuya Kib as Mike

    ReplyDelete
  5. Ang shaket πŸ’”πŸ’”πŸ’”

    ReplyDelete
  6. Ang gandaaa!!part 3 po please!♡♡♡♡♡

    ReplyDelete
  7. Damn ang sakit. πŸ’”πŸ˜­

    ReplyDelete
  8. akala ko may cancer si mike or what, mas ok na yun mag-aaral lang pala siya sa america kung may part 3 sana maayos na buhay ni mike tapos mag kakatuluyan na sila hihih

    ReplyDelete
  9. Ang ganda kuya kib one shot lang pero napaluha ako. Galing mo talagang magsulat more pa po kuya haha

    ReplyDelete
  10. kuya kib yung puso ko pinipiga huhuhu why?��

    ReplyDelete
  11. wah ang sakit sakit naman nito😭 wahhh ☹️ namurder ko na si Mary sa utak ko haha pinaglalamayan na siya. Hindi ko alam pero naiinis ako kay Mike, alam kong ginawa niya lang yun para kay Jen pero bakit? bakit ganun? bakit kailangan niya pang saktan at pagtulakan si Jen palayo? wala talagang forever! haha joke. can't wait for part 3 kuya kib! jusko maghihintay ako kahit gano katagal, di tulad niyang si Mike hmp! haha chos.

    ReplyDelete
  12. Gigil ako ni Mike pero okay na rin, si Mary na lang, gigil ako no'ng babaeng linta na mukhang daya na 'yon, bakit naman Mary baby love? Nadudungisan ang pangalan, tsk tsk. But anyway, congrats ditooo! Mapa-wattpad o blog, support kitaaa! That's my Earth!

    ReplyDelete
  13. Gigil ako ni Mike pero okay na rin, si Mary na lang, gigil ako no'ng babaeng linta na mukhang daya na 'yon, bakit naman Mary baby love? Nadudungisan ang pangalan, tsk tsk. But anyway, congrats ditooo! Mapa-wattpad o blog, support kitaaa! That's my Earth!

    ReplyDelete
  14. I literally cry 😭😭😭 i hate you mike sana snbe mo nalamg yung totoo kay jen e. Pero ikaw kib bat nde yun ang sinulat mo? Pinaiyak mo ko.😭

    ReplyDelete
  15. Waaaaah😭😭 nakakaiyaaaaak 😭😭😭 huhu😭

    ReplyDelete
  16. Sana magkita kayo ulit. Hikhok.❤

    ReplyDelete
  17. Pero... Ang sakit talaga nung "pwes, mamatay kana". πŸ’”πŸ’”πŸ˜­πŸ˜­. Huhu

    ReplyDelete
  18. You're so bad kuya kibby
    Kapag ako si Jen,hindi ako mag gigive up kahit murahin pa ako ni mike ng ilang beses
    Sana pumunta si Jen sa america kapag bakasyon syems😭😭😭

    ReplyDelete
  19. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  20. Hue hue hue ang shakeet ng ending bes.

    ReplyDelete
  21. Huhuhu anyareee?😭😭😭

    ReplyDelete
  22. Deym ang sakit Kib napaluha mo ako susme. Napapamura ako pero pipigilan ko. Asdfghjkl.

    ReplyDelete
  23. Ang sakit ng ending😭😭
    Part 3 kuya kib plsss...

    ReplyDelete
  24. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  25. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  26. Akala ko mamamataysi mike. :(

    ReplyDelete
  27. Ouch, ang sakit. Mas msakit 'to kaysa nung sineen niya 'ko.πŸ’”πŸ’”πŸ’”Lol. Part 3 po, Kuya.

    ReplyDelete
  28. Naiyak c aqoeh myghaaaaad. I kennat part 3 kuya KIBπŸ’•πŸ‘ŒπŸ»

    ReplyDelete
  29. ANG SAKIIIIT 😭😭😭

    ReplyDelete
  30. Grabe!! ANG SAKIT SA PUSO!! 😭😭😭

    ReplyDelete
  31. Anak ng chekwa 😭😭

    ReplyDelete
  32. Darling masakit πŸ˜­πŸ’”

    ReplyDelete
  33. Part 3 kuya nakakbitin huhu galing mo talaga gumawa ng story

    ReplyDelete
  34. Wahhh bitin part 3 pleaseeπŸ˜‚πŸ’–

    ReplyDelete
  35. Sabi ko na nga ba e. 'Di lahat ng umaalis,may nababalikan. I hate you KiB! 'Di mo ba alam na sobrang relate ako sa story na 'to? Kaya sobrang sakit ng ginawa ni Mike kay Jen. Sana lang naman, 'di siya nagdidisisyon ng mag-isa kasi 'di lang naman siya ang nakakaramdam ng hirap at sakit.

    ReplyDelete
  36. yung totoo kuya kib brokenhearted ka ba nung sinulat to? tagos eh hahaha sakit bes.

    ReplyDelete
  37. sana may part 3 tapos sa part 3 pupunta din si jen sa america tapos magkikita sila yay! hahahaha

    ReplyDelete
  38. ang sakit kiya kib 😒. part 3 na agad kuya kib please kakabitin talaga eh

    ReplyDelete
  39. kuya kib part 3 na po please sobrang bitin po talaga

    ReplyDelete
  40. Putspa, yung akala nung nag mamanicure sa akin nasasaktan ako sa ginagawa niya pero ang totoo dito ako naiiyak

    ReplyDelete
  41. Aray ko beh. Ansakit πŸ˜­πŸ’”. Part 3 pls. πŸ˜ƒ

    ReplyDelete
  42. posha... wahhhhhhh~~ huhuhuhu why???!

    ReplyDelete
  43. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  44. Kaiyaq πŸ˜­πŸ’” Part 3 KUYA!

    ReplyDelete
  45. 😒 Speechless, huhu kuya KIB. Why?😭

    ReplyDelete
  46. bakit bitin yung story ?Ano sagot ?

    ReplyDelete
  47. Next part na Kuya. Hahhahaha. Nakaka excite ang mga susunod na mangyayariπŸ‘

    ReplyDelete
  48. luuhh!! whyy kib, whyy? 😭

    ReplyDelete
  49. KIBby πŸ’˜ kaiyak ito. 😭 Bakit kasi di na lang sabihin at ipapakita pa na rude. Pero deep inside kabaliktaran naman ang nararamdaman. Sarap batukan ng mga ganyan e! Jusko
    *nadala lang* πŸ˜…

    ReplyDelete
  50. Ikaw na talaga kuya. Idol. 😊

    ReplyDelete
  51. Ang galinggggg πŸ˜’πŸ‘ Grabe yung feels pero bitiiin

    ReplyDelete
  52. Bakit ganun? juskq naman uhuuhuhu

    ReplyDelete
  53. Huhuhu😭 part 3 pa!! Nakakaiyak. Damang dama ko..

    ReplyDelete
  54. Ito 'yung gusto kung ending, tragic kumbaga. Pero masakit sa parte ko na iyung ginawa ni Mike, dahil hindi niya sinabing aalis siya at pupunta ng amerika para mag-aral. Pwede naman sigurong mag-
    hintay si Jen kasi nga mahal niya diba. Char! 'Yung daga talaga eh. Totoo ba iyun?

    ReplyDelete
  55. HUHUHU!!!.. Wae?? Bakit kailangan pang ipagtabuyan si Jen?? Siguradong makakapaghintay naman siya pagkatapos niyang mag aral sa Amerika o kaya naman sumunod siya roon.. Diba mayaman naman sila??.. wahhh!!!.. What a tragic ending(or may continuation pa)... huhu.. Kuya KIB may part 3 pa po ba??

    ReplyDelete
  56. HUHUHU!!!.. Wae?? Bakit kailangan pang ipagtabuyan si Jen?? Siguradong makakapaghintay naman siya pagkatapos niyang mag aral sa Amerika o kaya naman sumunod siya roon.. Diba mayaman naman sila??.. wahhh!!!.. What a tragic ending(or may continuation pa)... huhu.. Kuya KIB may part 3 pa po ba??

    ReplyDelete
  57. Huhuhu nakakaiyak talaga kuya kib😭
    Kailan po kayo gagawa ng part 3?

    ReplyDelete
  58. "Wala nga talagang permanente sa mundong ito. Even feeling." </3 Bakit ang sakit? Huhu. Panagutan mo yung nararamdaman namin! Give us Part 3 please? lol


    PS. Kibby, kinakain talaga daga? Na-try mo na? Masarap ba? huhu. I kennat. hahaha!

    ReplyDelete
  59. Jen reminds me of myself. Ayaw ko rin sa probinsya. Everytime na uuwi kami sa province ng parents ko nakakadalawang araw pa lang kami gusto ko ng umuwi. Pero ngayon feeling ko gusto kong pumunta sa Province. Nag stay ng ilang buwan. 😍😍

    ReplyDelete
  60. Part 3 po kuya KIIIIB. πŸ’”πŸ’”

    ReplyDelete
  61. Part 3? Sakit sa heartπŸ’”πŸ˜”Saklap

    ReplyDelete
  62. Mag aaral pala di na lang sinabi. 😒
    Waiting sa part 3. πŸ™ˆ

    ReplyDelete

Post a Comment