Annoucement:Hello guys! This website is for my random stories that will not be posted on Wattpad. Thank you and enjoy!

That One Summer (Part 1)

Author's Note: Mas nauna ko itong isinulat kesa sa Hell University. Nakaimbak lang sa drafts so yeah, ngayon mababasa nyo na. lol

***

Sinulyapan ko ang mga nagtataasang bundok sa labas ng bintana ng kotse. Ang kaninang mausok na langit ay naging kulay asul, ang mga nagtataasang building ay napalitan ng nagtataasang bundok at mga puno, nasa probinsya na nga ako.



"I hate this!" Sigaw ko sabay tingin sa suot kong panloob ng bathing suit.

Akala ko pa naman ay ang sinasabing bakasyon nina daddy at mommy ay sa beach like Boracay 'yon pala ay sa probinsya!

"Mas masarap namang magbakasyon sa probinsya kesa magbilad ka sa araw sa beach." Pangaral ni Kuya Betong, ang driver namin na madaldal.

"Eww. Don't me, please. Palibhasa kasi laki ka sa probinsya." Sagot ko na ikinatawa nya.

Maging ang tawa nya ay pang bundok, ang buhok nyang Jose Rizal style, at ang kulay nyang sinunog sa oven. Probinsyano.

"Ano namang masama sa pagiging probinsyano?"

"Lahat. Pwede ba, kuya Betong?  Kahit ibida mo ang lugar na ikinalakhan mo, wala akong paki. DUH!"

Napatingin ako sa mga--- "What? Bakit ganito?" Nanlalaking matang tanong ko habang pinagmamasdan ang paligid.

"Huh?" Naguguluhang tanong naman nya.

Itinuro ko ang labas at halos mag-hysterical ako sa nakikita ko. "Bakit gawa sa walis ting-ting ang bahay nila?! Bakit may dayami ang bubong?! Don't tell me--- OMG! This is hell!" Halos manlumo na talaga ako.

Hindi ko alam na mas malala pa pala sa inaasahan ko ang makikita ko. I thought, maganda naman ang mga bahay na may aircon at marmol na sahig--- May semento ba ang sahig nila?

"Bahay-kubo? Mas gusto ko namang tumira sa bahay-kubo." Pagbibida na naman ng probinsyanong ito sa akin.

"Not me! I don't think I can sleep in this place! Gosh!"

Kinuha ko ang Iphone 6 ko sa bulsa ko at halos itapon ko ito sa labas nang makitang walang signal.

Maya-maya ay tumigil na kami sa pag-andar. Ngayon ko lang napansin na nasa harap na pala kami ng isang bahay na-- Uhmm, medyo naiiba naman sa iba dahil gawa ito sa bato mukhang wala lang aircon, bakod lang ang gate nila.

"Labas na!" Kinatok ni Kuya Betong ang bintana kaya wala akong nagawa kundi ang lumabas.

Napapikit ako nang umihip ang malamig na hangin na parang tinatangay ang aking buhok-- Not bad.

Sinalubong kami ng isang matandang babae na nakangiti ng malawak, sa tingin ko ay lola ni Kuya Betong.

"Mano po, la." Kinuha ni Kuya Betong ang kamay ni Lola at idinikit sa noo nya.

Tinaasan ako ng kilay ni Kuya Betong habang sinesenyasan akong gayahin sya. DUH! No way!

Dahil ayokong magmano at masyadong sinauna ay bineso ko si Lola na ikinagulat nya.

"B-Bakit mo ako hinalikan?" Tanong nito.

Kumunot naman ang noo ko. "I didn't. Beso-beso, you know?" Pagpapaliwanag ako.

"Huwag kang magdayuhan dito, hindi ka nila maiintindihan." Bulong ni Kuya Betong.

I can't.

"Pasok kayo,"

Pagkapasok ko sa loob ay sinalubong ako nang mga bagay na gawa sa kahoy. Ang sofa ata na gawa sa kahoy, ang divider na gawa sa kahoy kung saan nakapatong ang maliit na t.v na hindi flat at sa tingin ko ay black and white at ang mga pinto ng tatlong kwarto na gawa sa plywood.

Ok?

Umupo ako sa sofa at nakalimutan ko yatang gawa sa kahoy 'yon kaya napapikit ako sa sakit dahil sa pagkabigla ko.

"Ok ka lang?" Natatawang tanong sa akin ni Kuya Betong.

"Ok lang, ok na ok." I faked a smile.

Napatingin ako sa lalaking pumasok sa loob ng bahay NAMIN. Nakapantalon ito na butas, walang pang-itaas at magulo ang buhok. Pawis na pawis ito at nanggigitata.

Ew.

"Kuya! Andito ka na pala!" Bati nito kay Kuya Betong bago nagmano.

Pinigilan ko ang pag-ikot ng aking mata, what's with the mano? Bakit kailangang idikit ang likod ng kamay sa noo? Seriously?

"Kakarating ko lang, ah! Mike, Heto pala ang sinasabi kong anak ng amo ko." Itinuro ako ni Kuya Betong. "Jen, si Mike. Kapatid ko." Dugtong nya.

Tumingin sa aking si Mike na halatang na-amuse nang makita ko. Who wouldn't be? I am a head-turner! Isang matamis na ngiti ang ginawa ko pero nawala rin ito nang kumunot ang noo nya.

What?

Nanlaki ang mata ko nang hinawakan nya ang binti ko at inayos. Ang kaninang naka-cross na binti ko ay nakastraight na ngayon at magkadikit.

"Hindi ganyan ang upo ng dalaga, nagmumukha kang kaladkaring babae."

Nalaglag ang panga ko sa sinabi nya pero si Kuya Betong ay tumawa lang ng malakas.

"Ang kapal ng mukha mo! Igorot!"

"Igorot? Mas mukha ka pang igorot sa akin! Timang ka ba? Bakit nakapanty ka lang?"

Pinagmasdan ko naman ang suot kong short. Nakamaikli akong short pero hindi ito panty!

UGH!

"Kuya! Ilayo mo sa akin ang kapatid mo." Napahawak ako sa mukha ko at bahagyang minasahe ito dahil nai-stress ako sa nilalang na ito.

Ipinakita nila sa akin ang magiging kwarto ko. Pinagmasdan ko ang paligid, may kama naman pala pero hindi ganon kalambot at kalaki.

Pabagsak na ibinaba ko ang katawan ko. How can I survive in this place?

Akala ko ay hindi ako makakatulog. Naalimpungatan ako nang may tumapik sa mukha ko. Ang unang mukhang nakita ko ay ang mukha ni Mike.

"Gumising ka na nga! Kanina pa kita ginigising e! Akala ko patay ka na." Singhal nya.

Inaantok na umupo ako sa kama at tumingin sa labas ng bintana. Medyo madilim pa at sa tingin ko ay 5 pa lang ng umaga. Muli kong ibinalik kay Mike ang aking tingin. As usual ay nakapantalon na butas lang sya at walang pang-itaas. Medyo basa rin ang buhok nito at halatang galing sa ligo.

"Bakit mo ako ginising? Noche buena ba?" Tanong ko. Gumigising lang kasi ako ng madilim tuwing sasapit ang pasko at sapilitan pa.

"Huh? Baliw ka ba? Maghilamos ka na! Sumama ka sa bukid."

Kumunot ang noo ko. "Bukid? Anong gagawin ko ro'n?" Tanong ko.

"Magtatanim ng palay! Bangon na! Bawal ang babagal-bagal dito."

"Ayoko."

"Ayaw mo?" Isang masamang tingin ang ibinigay nya sa akin kaya inis na napatayo ako sa kama.

"Oo na! Lumabas ka na at mag-aayos na ako... igorot."

Pagkalabas nya ay inilock ko ang pinto at halos mapasigaw ako sa pagkadismaya! Bukid! Seriously?!

Saglit lang akong naligo dahil kanina ko pa naririnig ang pagpaparinig ni Mike.

"Hay naku. Isang oras ka ng naliligo dyan! Baka gusto mong lumabas, malapit nang lumitaw ang araw."

Bigla kong binuksan ang pinto ng cr na ikinabigla nya. "Heto na! Kainis! Walang bath tub! Walang body wash!" Reklamo ko habang papunta sa kusina.

Baka naman pagkabalik ko sa Manila mukha na akong igorot.

NO WAY!

"Oh hija. Kain ka na." Bungad sa akin ni Lola.

Napansin ko rin ang ngisi ni Kuya Betong. Alam ko na inaasar nya ako dahil sa amin ay alas diyes na ako nagigising.

Pagkatapos naming kumain ay nagpaalam na si Kuya Betong na babalik na sa Manila dahil sya ang magiging care taker ng mansion dahil aalis sina mommy at daddy.

"Kuya..." Nakahawak ako sa laylayan ng damit ni Kuya Betong dahil ayokong maiwan dito. "Isama mo na ako." Pagpupumilit ko.

"Hindi pwede, Jen."

Wala na akong nagawa nang umalis na si Kuya Betong. Naiwan akong tulala sa kawalan.

"Tara na!" Inis na hinila ni Mike ang braso ko kaya wala akong nagawa kundi ang sumama.

Habang naglalakad kami ay maraming bumabati kay Mike at nagtatanong kung sino ako. Mike is quite popular here on their tribe. Haha.

"Mike! Sino 'yang kasama mo?" Tanong sa kanya ng isang lalaking Eww.

May dala pa itong itak kaya nagtago ako sa likod ni Mike.

"Si ano--" Napatingin pa sa akin si Mike habang nakakunot ang noo. "Ano kasing pangalan mo?" Tanong nya sa akin.

Mahina akong napamura dahil kapag sinabi ko na ang pangalan ko ay wala nang makakalimot doon and this igorot just forgot my name!

Palibhasa mahina memorya e.

"Jen. I am Jen. Jen. Jen. Je-"

"Jen." Sambit ni Mike sa lalaki. Sa tingin ko ay kasing edad lang namin sya.

"Jen... Ako nga pala si Jerald." Inilahad pa nito ang kanyang kamay na maputik.

Sinenyasan naman ako ni Mike na tanggapin. Napalunok ako at pinagmasdan lang ang nakalahad na kamay ni Jerald.

"Ayoko..."

Bigla akong kinurot ni igorot kaya wala akong nagawa kundi tanggapin ang maputik at makalyong kamay ni Jerald na sobrang natuwa.

Hinila na ako ni Mike palayo doon habang ako ay hindi magkamayaw sa pagpunas ng kamay ko sa pantalon ni Mike.

"Gosh! Ilang percent kaya ng germs ang nakuha ko sa isa pang igorot na 'yon? Kailangan ko talagang maligo sa alcohol pagkabalik ko sa Manila."

"Ang arte mo. Pagahasa kita sa kanya e."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi kaya nagsisisigaw ako sa inis habang pinapalo ang braso nya.

Pagkarating namin sa bukid ay agad na lumusong sa putikan si Mike habang ako ay nakaupo sa ilalim ng puno. Buti na lang at nagdala ako ng sapin at shades.

Naglagay din ako ng sunblock para hindi masunog ang balat ko.  Nasa kalagitnaan ako ng pagbababad sa araw ng biglang may humila sa akin.

"What the hell?!" Bulalas ko nang makita ang kamay ni Mike na nakahawak sa braso ko na maputik.

OMG!

"Mahal na senyorita, baka gusto nyong tulungan ako..."

Wala akong nagawa kundi ang lumusong din sa putikan, hindi ko alam pero iba sa pakiramdam. OMG! Nagiging igorot na rin ata ako by heart.

"Kuha ka ng isang palay tapos itusok mo sa lupa, malambot 'yan kaya sandali lang..."

Tumango na lang ako bago nagtusok ng nagtusok. OMG! Nag-eenjoy ako! Hihi.

"Tangna!"

Napatigil ako sa pagtusok ng palay dahil sa biglang pagmura ni Mike habang nakatingin sa mga palay na ngayon ay nakatusok sa putikan.

"Ang galing ko hindi ba?" Pagmamayabang ko.

Lumapit ito sa mga tinanim ko at isa-isang binunot muli. Napanganga ako sa ginawa nya. Ang pinaghirapan ko! Sinira ng isang igorot!

"Bakit mo binunot?! Hibang ka na bang igorot ka? Akala ko ba gusto mong tulungan kit-"

"Baliw ka ba? Paano tutubo ang palay kung ang ibinaon mo sa lupa ay ang dahon habang ang ugat ay nasa taas? Anong utak ba 'yan, Jen!"

Natikom naman ang bibig ko nang mapagtanto ang sinabi nya. Hindi ko naman namalayan 'yon dahil nag-enjoy ako e.

"Anong gusto mong ulam?" Tanong nya sa akin. Nasa kalagitnaan na ang araw kaya sa tingin ko ay tanghali na.

"Chicken curry..."

"Huh? Wala. Daga lang ang meron dito."

Halos maduwal ako sa sarili kong laway sa sinabi nya. Bigla kong naimagine na nasa plato ang daga at gumagalaw pa ang buntot.

"Ayoko nga! Are you out of your mind?!"

"Kung ayaw mo, edi huwag kang kumain."

Pinagmasdan ko lang si Mike na kumakain ng prinito nyang daga. Sarap na sarap ito habang ako ay nagugutom na.

"Ayaw mo talaga?" Tanong nya.

Iiling na sana ako nang kumalam ang sikmura ko. Napangisi sya at inalok ako ng pagkain.

I ate a mouse. Really? UGH!

Laging ganon ang eksena sa ilang araw na pamamalagi ko sa kanila, lagi kaming nagbabangayan, nag-aasaran at nagbabatuhan.

"Gusto mong sumama? May kasiyahan na nagaganap sa kapatagan." Alok sa akin ni Mike.

Nakaupo ako sa labas at pinagmamasdan ang mga kumukutitap na bituwin. Hinahampas din ng malamig na hangin ang mukha ko na nagpapakalma ng pakiramdam ko.

Wala naman akong magagawa sa bahay kaya sumama na lang ako. Malayo pa kami sa pupuntahan pero rinig ko na ang tawanan ng mga tao.

"Mike!"

Agad na tinawag sya ng mga kalalakihan na nag-iinom kaya lumapit sya. Nakahawak ako sa laylayan ng damit ni Mike dahil hindi ako komportable sa tingin ng mga lalaking sa tingin ko ay lasing na.

"Tagay ka naman," Inabutan nila ng isang basong alak si Mike na tinanggap naman nito.

Matapos malagok ni Mike ang laman non ay itinapat naman nila sa akin ang baso.

"H-Hindi ako umiinom." Sambit ko.

"Konti lan-" Natigilan sila nang kinuha ni Mike ang baso at muling ininom ang laman nito.

Hinila na ako ni Mike palayo roon matapos makainom ng dalawang baso, halatang hindi sanay na uminom si Mike dahil agad na pumungay ang kanyang mga mata.

"Bakit ba nakatingin silang lahat sa'yo?!" Inis na sambit ni Mike.

Hinawakan ko ang laylayan ng damit nya nang aktong lalapitan nya ang isa pang grupo ng kalalakihan na nakatingin sa akin.

"Uwi na tayo," aya ko sa kanya.

Nabigla ako nang may lumapit sa amin na dalawang lalaki na nagpapakilala.

"Ang pangalan nya ay Jen." Maikling sagot ni Mike.

"Gusto mo bang mamasya-"

"Ayoko. Lumayo nga kayo sa akin." Pagsusungit ko na ikinatawa ni Mike. Umalis na ang mga lalaki at ngayon ay pauwi na kami ni Mike.

Aish! Pahirap talaga ang igorot na ito! Ang hirap alalayan!

"Ang daming babae sa lugar namin, bakit napapako sa'yo ang kanilang mga mata?" Nailang ako nang titigan nya ako. "Ahh. Oo, maganda ka pala. Pero bakit ganon?" Naguguluhang tanong pa rin nya. "Bakit ganon ang mga tao? Sa labas na anyo ang pinagtutuunan nila ng pansin? Kung sa ugali naman ay wala kang ibubuga." Inosente nyang sambit.

Hindi ko alam pero parang tinusok ng kung anong patalim ang puso ko. Tumagos ito at ramdam ko ang sakit.

Marami nang nagsabing hindi nga raw maganda ang ugali ko, pero kay Mike ako labis na nasaktan.

Bakit?

Isang linggo bago ang pagbalik ko ng Maynila.

"Lola, alis na po kami." Pagpapaalam ko kay lola bago nagmano.

"Mag-ingat kayo." Nakangiting paalala nito.

Naglalakad lang kami ni Mike nang tahimik nang mapansin kong ibang daan ang tinatahak namin. Hindi ito papunta sa bukid.

"Saan tayo pupunta?" Tanong ko.

"Paraiso." Nakangiting sagot nito. Kumalabog ang puso nang hinawakan nya ang kamay ko at hinila.

Hindi ako manhid, alam ko sa sarili kong unti-unti nang nahuhulog ang loob ko kay Mike.

Kung dati ay nandidiri ako pero ngayon ay ang sarap pakinggan na, pusong igorot na ako. Haha.

Literal na kumislap ang mata ko sa bumungad sa akin. Isang batis na sobrang linaw, malinaw na kita ang kailalim-laliman.

"Dito ako namamalagi kapag gusto ko ng kapayapaan. Ako lang ang nakakaalam ng lugar na ito at ikaw ang kauna-unahang taong nadala ko rito."

"Dapat ba akong matuwa?" Pamimilosopo ko.

Nagkibit balikat lang ito bago lumusong sa tubig. Pinagmasdan ko ang pagsisid nya na napakaganda sa aking paningin.

"Ayaw mong maligo?" Pang-aakit nya kaya hindi ko na napigilan ang paglusong.

Mas masarap ang tubig kesa sa mga beach. Nakakawala ng problema na animo'y tinatanggal ito ng banal na tubig.

Hinawakan ko ang kamay ni Mike na ikinagulat nya. "Salamat." Mahina kong sambit.

"Bakit ganito? Kapag nasa tabi kita ay parang nagiging malabo ang lahat. Kapag nakatingin ka sa akin ay kinikilabutan ako at parang naiihi. Sa tuwing binabanggit mo ang aking pangalan ay parang musika ito sa aking pandinig. Kapag kasama kita, nabibingi ako sa lakas ng tibok ng dibdib ko. Ano 'to? May dala ka bang sakit?" Inosenteng sambit nito.

Hindi ko maiwasang matawa at the same time ay kiligin. Ang inosente naman nya para hindi malaman kung ano ang ibig sabihin non.

"Hindi lang ako ang may dalang sakit.... maging ikaw."

Akala ko matutuwa ako kapag babalik na ako sa Manila, kung saan magagawa ko na ang mga bagay na hindi ko magawa dito. Pero bakit ganito? Ang sikip sa dibdib.

"Aalis ka na bukas..." dinig kong sabi ni Mike.

Nakahiga kami sa bermuda grass at nakatingin sa mga bituwin. Nililipad ng hangin ang buhok ko na tumatakip sa mata ko.

"Oo," Parang nabarahan ng kung ano ang lalamunan ko sa sagot ko.

"Alam kong masaya ka na, makakaalis ka na sa putikan. Magagawa mo na ang mga gusto mong gawin.... Malaya ka na muli."

Shit! Ano 'to? Naiiyak ako.

Kinabukasan ay dumating na si kuya Betong na susundo sa akin. Tinulungan nya akong ilabas ang maleta ko.

Sinulyapan ko ang kwarto ni Mike ngunit bakante ito. Wala si Mike.

"K-Kuya..."

Napatingin sa akin si Kuta Betong. Sumilay sa mukha nya ang isang ngiti nang makita na matamlay ako.

"Nainlove ka na sa ganda ng probinsya..."

Mariin akong napatango. Hindi kailanman maikukumpara sa siyudad ang ganda ng probinsya.

"Sa probinsya nga lang ba?" Panunukso nya.

Hindi ko alam pero biglang lumiko ang aking paa. Sa una ay dahan-dahan lang ako hanggang sa bumilis hanggang sa namalayan ko na lang na tumatakbo na ako.

Pagkarating ko sa batis ay agad na nahagip ng mata ko ang isang lalaking nakapantalon lang at walang damit pang-itaas, nakababad ang binti nito sa batis.

Umupo ako sa tabi nya, alam kong naramdaman nya ang presensya ko ngunit mas pinili nyang huwag akong lingunin.

"A-Ano pang ginagawa mo rito? Aalis ka na hindi ba? Babalik ka na sa Manila."

"Oo, gusto ko lang magpaalam."

Nagulat ako ng hinawakan nya ako sa balikat. Sumikip ang dibdib ko nang makita ang pagdausdos pababa ng luha mula sa kanyang mata.

"H-Huwag ka ng magpaalam. Ang sikip sa dibdib."

"Babalik ako," Napanganga sya sa sinabi ko. "Babalikan kita." Dugtong ko.

"Pero bak-" Pinutol ko ang salita nya sa pamamagitan ng isang halik na hindi kalaunay ginantihan nya.

Babalikan kita dahil mahal kita. Babalik ako, Mike. Hintayin mo ako.



-Wakas-

Comments

  1. omygad �� nakakaiyak kuya kib! ang ganda super! ang galing mo talaga magsulat.

    ReplyDelete
  2. Shems. Nakakakilig. Ang ganda po kuya KiB. Hehe. Mukhang may bago na naman ako. Char ! Mike❤ Jen😍❤❤❤

    ReplyDelete
  3. Enebeyen sheet nekekekeleg hahahahahah πŸ˜‚πŸ˜…

    ReplyDelete
  4. Omayyyy ghadddd i love it😍

    ReplyDelete
  5. πŸ’•πŸ’˜πŸ’–πŸ’“

    ReplyDelete
  6. Kuya Kib! Ang sakit na nga sa puso ng Trapped pati ba naman sa That One Summer Part 1. I hate you. Lol

    ReplyDelete
  7. Huhuhu... bakit ganun?? Part 1 pa nga lang masakit na sa puso ��������

    ReplyDelete
  8. wth maikli lang to pero ang ganda na wthhhhh

    ReplyDelete
  9. Kuya kib!! ang ganda! pati yung part 2! dito nako nagcomment hhehehe whoo part 3 na yan

    ReplyDelete
  10. Oh ghad! Ang ganda πŸ˜­πŸ˜πŸ’–

    ReplyDelete
  11. So far..ang ganda ng flow ng story.. i hope mas madami pang magbasa nito.. i will recommend it to my friends..yay! Lol...good job.. mr. KnightInBlack! LOL

    ReplyDelete
  12. kuya bakit ang ganda ng mga story mo? grabi part 1 pa lang to pero kinikilig at umiiyak na ako hahahahha grabi talaga ang epekto ng mga story mo saakin kuya kib

    ReplyDelete
  13. Papagahasa ko kay Jerald yung magiging contrabida diyan ._.

    ReplyDelete
  14. hahahaahah. JEN ? hmmmm, nem ke yen eh, keneleg teley eke, well, can you be my mike darling ? Mwihihihi

    ReplyDelete
  15. Kuya kib! Kailan yung part 3??? egzoytod nako ihh πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ’•

    ReplyDelete
  16. Kuya kib, bakit ang daming feels ng kwento mo?? naiiyak tuloy ako lagi. tulad ng trapped. Alam mo ba na pinakahate kkng character dun ay si blaze? kasi naman bakit niya pa ba pinapahirapan si Chelsea? e siya na nga nagsabi na lumayo na si chelsea hayst may naaalala lang hheheeheh tapos ang cute ni ryde sarap iuwi tulad mue 😎

    ReplyDelete
  17. JenxMike. Galing mo talagang author KIB, nakakaiyak superrr, pagpatuloy mo lang, lablab.

    ReplyDelete
  18. Puchang ina Kib, bitin. Bakit ganoin? πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚❤❤

    ReplyDelete
  19. Puchang ina Kib, bitin. Bakit ganoin? πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚❤❤

    ReplyDelete
  20. KIB, may inspirasyon ka ba noong ginawa mo 'to? ��

    ReplyDelete
  21. KIBby.Ganda talaga ng flow. Thumbs up. :)

    ReplyDelete
  22. Nakakaiyak kuya. Galing mo talaga. Pano mo nagagawa to?

    ReplyDelete
  23. Kuya kibbbb!!!😍 Ang ganda po ng story, nakakaiyak!!😭😭

    ReplyDelete
  24. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  25. Shems. Pwede mo din ba kaming ipasyal? lol

    ReplyDelete
  26. Ang ganda. Myghad. Kenekeleg eke.

    ReplyDelete
  27. Naiinlove talaga ko sa mga Characters mo na M ang pangalan πŸ˜‚πŸ˜‚ Mike at Matt id hart hart πŸ˜˜πŸ’“

    ReplyDelete
  28. Omg inlove na ko sa story😭😭

    ReplyDelete
  29. Emeged���� I kennat����

    ReplyDelete

Post a Comment