Annoucement:Hello guys! This website is for my random stories that will not be posted on Wattpad. Thank you and enjoy!

Ma, patawad


***


Pia's POV

"Pia kumain kana!" Dinig kong sigaw ni Mama mula sa labas kaya nagmadali akong lumabas ng kwarto ko. Kakatapod ko lang maligo at medyo basa pa ang buhok ko. Pagkarating ko sa kusina ay mabilis na pinaghain ako ni Mama.

"Thank you, Ma." sabi ko at ngumiti naman sya.

Nasa kalagitnaan ako ng pagkain nang marinig ang sunud-sunod na busina salabas.

"Ma, andyan na po service ko. Aalis na po ako!" paalam ko kay Mama na naghuhugas ng plato.

"Sandali!" sigaw nya sabay punas ng kamay sa apron at kuha sa lunch box ko. Nilagay nya ito sa bag ko at ginawaran ako ng halik sa aking labi.

"Ingat anak," sabi nya kaya ngumiti ako sa kanya.

Kahit na si Mama lang ang kasama ko ay kuntento na ako at hindi naman nya ipinaparamdam sa akin na nag-iisa ako. Honestly lahat naman ng ina ay mabait, mapag-aruga, lahat gagawin nila para sa anak nya, may mga magulang lang na hindi showing, I mean is yung hindi nila ma-express ang nararamdaman nila but I am hundred percent sure they love you more than anything else.

Pagkarating namin sa school ay mabilis na nagsibabaan kami.

"Pia!" napatingin ako sa tumawag sa pangalan ko.

"Era!" bestfriend ko. Niyakap nya ako kaya gumanti naman ako.

Naglalakad kami papunta ng room nang mag-vibrate ang phone ko. Alam ko na kung sino ito.

From: Mama

Ingat, baby. I love you!

Napangiti ako dahil alam kong ganon ang text nya. Lagi ba naman na ganon ang eksena tuwing aalis ako ng bahay eh.

"Jane! Si Yuan oh" sabay turo ko sa crush nya.

"Ssshhh Pia naman eh!" pagmamaktol nya na ikinatawa ko. Ayaw nya kasing ipagsabi na may crush sya rito. Nahihiya raw sya. Ako? Wala akong crush.

Natapos ang klase. Ganon lang ang eksena. Papasok sa school at uuwi.

Pauwi na ako ngayon at hinihintay ko na lang ang service ko.

"Ang tagal!" pagmamaktol ko. Kakalabas lang namin ngayon eh. Ang ipinagtataka ko dahil wala ang mga kasama ko sa service. Ayaw ko namang isipan na iniwan na ako ng bus.

Lumipas ang ilang minuto wala pa rin. Gabi na at nilalamig na ako.

"Mama" bulong ko. Natatakot na ako. Wala na akong kasama at tanging ang ilaw lang galing sa poste ang nagsisilibing liwanag ko.


***

Third Person's POV

Gabi na at nakatayo sa labas ang isang inang naghihintay sa pagbabalik ng anak na pumasok sa paaralan. Bakas sa mukha nito ang labis na pag-aalala.

"Mare, anong ginagawa mo sa labas?" tanong sa kanya ng dumadaan na ale na kumare nya.

"Ah hinihintay ko si Pia eh, hindi pa rin umuuwi hanggang ngayon" sabi nya. Napakunot ang noo ng ale.

"Huh? Paanong nangyari yon eh kanina pa nasa bahay si Mika," sabi nito. Magkasabay kasi ang mga anak nila sa bus.

Hindi na sumagot ang ina at nagmadali itong tumakbo papunta sa sakayan ng jeep.

Halo-halong emosyon ang pumapasok sa kanya pero nangingibabaw parin ang pag-aalala ng isang ina na nangangambang may mangyaring masama sa kanyang anak.

Mabilis na bumaba sya sa jeep nang marating ang nais nyang puntahan. Hindi sa kalayuan ay natanaw nya ang isang munting anghel na tahimik na umiiyak. Nakaupo ito sa tabi ng gate ng school nila.

Hindi sya nag-aksaya ng panahon at nilapitan nya agad ito.

"Pia," tawag nya rito. Mabilis na napalingon ang bata.

"Nay!!" sigaw nito sabay takbo palapit sa mangiyak-ngiyak na ina.

Hindi napigilan ng bata ang paghagulgol dahil sa takot at ang ina naman nito ay walang nagawa kundi ang patahanin ang kanyang anak na takot na takot.

"Sshhh andito na ako," bulong nito.

Nakasakay sila sa jeep at kandong-kandong ng ina ang mahimbing na natutulog na anak.
Hindi nito lubos maisip na paanong nagawang iwanan ang kanyang anak. Responsibilidad ng driver na i-check ang mga bata bago umalis para masiguro na kumpleto ang mga ito.

Kinabukasan ay agad na tinungo ng ina ang bahay ng driver.

"Kuya, bakit nyo naman po iniwan ang anak ko?" mahinahon nyang tanong sa kakagising lang na lalaki.

"Ahh naiwan ba sya?" painosenteng tanong nito.

"Imposible naman pong hindi nyo alam yon," dugtong ng ina.


"Kasi naman hindi kayo nagbabayad ng service!" sa wakas ay umamin na ang driver. Hindi pa nakakapagbayad ng service ang ina dahil sa kulang pa ang ipon nito.

"P-pero magbaba-"

"Ihanap nyo na lang sya ng bagong service!" sabi nito kasabay ng pagsarado nito ng pinto.

Habang naglalakad ay maraming bagay ang tumatakbo sa isip nito. Kung paano na sa araw-araw ang anak nya?

Natigilan sya nang marinig ang malakas na busina. Mabilis na umiwas naman ito.

"Magpapakamatay ka ba?!" sigaw sa kanya ng driver ng jeepney.

"S-sorry po," paghingi nito ng paumanhin. Kailangan na nya talagang humanap pa ng mapagkakakitaan, dahil kulang ang kita nya sa paglalabandera.

***

Pia's POV
Bumangon ako nang marinig ko ang alarm clock. Kasabay naman ng pagpasok ni Mama.

"Pia, bilisan mo at ihahatid na lang kita sa school" biglang sabi ni Mama.

"Po?" takang tanong ko. Bakit nya pa ako ihahatid eh may service naman ako?.

"Ahh k-kasi para matagal tayong magkasama, ayaw mo ba no’n?" tanong ni mama kaya mabilis
akong umiling. Ngumiti naman siya dahil do’n.

Mabilis na dumaan ang mga araw at hatid-sundo nga ako ni Mama.

"Ma, ano po yang nasa kamay nyo?" takang tanong ko dahil nakabalot ito ng tela.

"Ah w-wala" sabay tago nya rito. Tinignan ko sya at nakita ko ang maluha-luha nyang mata. Mabilis ko syang niyakap.

Graduation na namin at naghanda si mama ng pansit lang. Naiintidihan ko naman eh at malaki pa ang pasasalamat ko rito pero ang mas inportante sa akin ay andyan sya.

Nag-aral ako sa highschool. At sa sobrang bilis ng panahon ay 3rd year na ako.

"Hey Pia" bati sa akin ni Crissa, ang bff ko sa kalokohan.

"Hello!" sabay beso ko rito. Napansin ko ang hawak nitong bagong cellphone. Nakaramdam ako ng inggit. Sira na kasi ang cellphone ko.eh.

"Ah ito ba?" sabay pakita nya ng cellphone nya nang mapansing dito ako nakatingin.

"Bili sa akin ni mommy," sabi nya. Tumango na lang ako. Buti pa sya.

Pagkauwi ko sa bahay ay sinalubong ako ni Mama.

"Kamusta school Pia?" tanong nya. Napabusangot ako.

"Ma! Matanda na ako hindi mo na kailangang itanong lahat ng gagawin ko," sabi ko na ikinagulat nito.

"P-Pia…"

"Matutulog na ako." putol ko. Narinig ko syang tinawag nya pa ako pero hindi ko na sya pinansin. Bakit ba lahat na lang kailangan nyang tanungin?! Matanda na ako at alam ko na ang ginagawa ko.

"Pia, mag-usap tayo" bungad sa akin ni mama kinabukasan pagkababa ko.

"Nay late na ako" pag-iwas ko.

"Sanda-"

"Late na nga ako eh!" napalakas ata sigaw ko na umalingawngaw sa buong bahay.
"Ingat" sabay bigay nito ng mapait na ngiti.

"What's with that face?" bungad sa akin ni Aaron. Bofriend ko, hindi ito alam ni Mama dahil alam kong kokontra na naman sya.

"Si mommy kasi eh," sabi ko. Yeah, mayaman ako sa school. Alangan namang ipagkalat ko sa buong campus na isa lang labandera ang Mama ko!


"Wanna go out?" sabi nya napatingin ako sa kanya. Napakunot ang noo ko.

"Hindi tayo papasok?" tanong ko.

"Oh come on, Pia!, just once" pilit nya kaya um-oo ako. Sa ganong paraan ay nakakalimutan ko kung ano talaga ang estado namin sa buhay.

Ang isang araw ay maging dalawa, tatlo at araw-araw. Halos hindi na kami pumapasok sa school. Isang araw ay umuwi akong gegewang - gewang sa hilo, nakainom ako. Nalasing.

"Pia?" Alalang tanong ni Mama.

"Tsk" ang tanging nabanggit ko.

"Jusko ano bang nangyayaring masama sa'yong bata ka?!" bulyaw nya. Narindi ako sa sigaw nya.

"Wala ka na ro’n," sagot ko. Napahawak sya sa balikat nya na parang may iniindang sakit doon.

"Ba't ba nagkakaganyan ka?" tanong nya.


"Bakit? Dahil hindi nyo maibigay lahat ng gusto ko! Dahil sa mahirap lang tayo at isa ka lang hamak ng labandera! Alam mo minsan, naiisip ko na sana hindi na kang ikaw ang naging ina ko! Baka sakaling mabili ko lahat ng gusto ko. Ewan ko ba bakit ikaw pa ang naging mama ko. Ang malas malas ko!" sigaw ko. Hindi ko alam kung saan lumabas lahat ng nasabi ko dahil narin siguro sa kalasingan at lahat ng hinanakit ko ay lumabas.

Hindi sya nagulat sa sinabi ko tanging ang patak ng luha nya lang ang nakikita ko. Ang patak ng luha galing sa mga mata nyang maga na tila araw-araw umiiyak. Ang butot-balat nitong katawan na tila kahit anong oras ay bibigay na.

"S-sorry, sorry Pia, sorry kung hindi ko maibigay lahat ng gusto mo pero anak-"

"Kung ikaw pinagsisisihan mong naging ina mo ako, ako naman buong buhay ko na ipagpapasalamat na ikaw ang ibinigay sa akin, na ikaw ang anak ko, ngumiti ka lang wala na lahat ng pagod ko, sorry talaga anak at ito lang ang maibibigay ko sa'yo…" sabi ni Mama.

Tumakbo ako papasok ng kwarto ko. Bakit ganon? Bakit? Di ba dapat itakwil nya na ako dahil napakasamang anak ko?! Bakit hindi nya magawang magalit sa akin?

Kinabukasan ay naabutan kong naglalaba si Mama. Napansin ko ang isang katerbang labahan na hindi pamilyar sa akin dahil sa ibang tao ito.

Napansin ko ang mga pasa nito sa balikat. Ang mapulang peklat na nasa pisngi nya.

Hindi ko sya pinansin at pumasok sa school na lutang ang isip.

"Oy, Pia! Pinapabigay ng Mama mo," Ibinigay ng isa kong kaklase ang lunch box na hindi ko talaga dinala.

"Uy may sakit ba ang Mama mo?" bigla nyang tanong. Napakunot ang noo ko.

"B-bakit?"

"Ehh kasi napapansin ko nitong mga nakara-"

"Pia!! Pia!!" napatingin ako sa taong humahangos.

"Bakit?" tanong ko.

"Ang Mama mo-"

"Anong nangyari sa kanya?!" takot na takot na tanong ko.

"N-nasa ospital"

Naibagsak ko ang baunan. Tumakbo ako para puntahan sya. Hindi ko namalayan ang mga luhang kanina pa pumapatak mula sa mata ko.


Pagkarating ko ay si Tita Linneth ko agad ang nakita kong umiiyak.

"Tita ano po-"

Isang sampal. Isang sampal na nagpatigil sa mga luha ko. Isang sampal na kulang pa…

"A-anong klaseng anak ka?!" sigaw nya.

"Hindi ka ba naawa sa Mama mo na magkaundagaga na kakatrabaho para lang matustusan ang pangangailangan mo?” Natahimik ako. “Kung alam mo lang lahat ng pinagdaanan niya na kulang na lang ay kunin ang labada ng buong barangay. Hindi mo ba nakikita ang mga mata nyang maga? Kakaiyak! Kulang sa tulog.” Wala akong nagawa kundi ang yumuko.


Muling bumagsak ang luha sa mata ko.


“Hindi mo ba nakikita ang mga pasa sa katawan nya na galing sa mga taong nasiraan nya ng damit dahil kakaisip kung anong nangyayari sa anak nya? Hindi mo ba naisip kung saan galing ng ina mo ang peklat nya sa pisngi? Alam mo bang dahil sa'yo yun nung minsang naiwan mo baunan mo at hinabol nya sa'yo kaya naiwan nya ang pinaplantsa nyang damit na nasunog kaya ibinato sa kanya ng amo nya ang plantsa? Manhid ka ba o sadyang nabulag ka na ng ambisyon mo at nakalimutan mo na may isang taong nagmamalasakit sa'yo ng husto na kulang na lang ay ibuwis nya ang buhay nya para sa'yo? Pia, para sa'yo! Alam mo kung sino iyon? Iyon ang Mama mo!”


Wala akong nagawa sa mga oras na ‘yon kung hindi umiyak. At ang puso ko ay puno na ng pagsisisi.

Ang Mama ko… Ang Mama ko! Patawarin nya sana ako. Hinding-hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama sa kanya.

"Pero hija, hindi pa huli ang lahat," sabay bukas nya ng pinto. Nakita ng dalawa kong mata ang nakatingin sa aking babae. Si mama… Ngumiti sya. Agad ko syang niyakap.at humagulgol.

"Ma, patawad…" ang tanging salitang lumabas sa bibig ko.

Hindi pa huli ang lahat at sa pagkakataong ito ay ipapakita ko kung paano mag-alaga ang anak at kung gaano ko sya kamahal.

Hindi ko lubos maisip na kayang gawin ng isang ina lahat ng iyon, na kaya nilang isakripisyo lahat para sa kanilang anak. Kaya sana ay mahalin natin ang ating mga magulang habang buhay pa sila dahil hindi natin hawak ang buhay nila…

Ganyan ang pagmamahal ng isang magulang.

- Wakas -

Comments

  1. Mapapabulong ka na lang ng "I love you ma"

    ReplyDelete
  2. halaaa naiyak nanaman ako. Hilig magpaiyak ni kuya kib hahaha pero ang ganda :) may lesson, mahalin natin ang ating mga magulang. Ang ating ina <3

    ReplyDelete
  3. Na-miss ko bigla si mommy, nakaasar ka kuya kib pinaiyak mo nanaman ako hahays

    ReplyDelete
  4. Alam mo bang baha na dito sa bahay kakaluha ko 😭😭😭😭

    ReplyDelete
  5. Nays one KIB! yabtalaga kita :*

    ReplyDelete
  6. I love you Ma! I love you KIB!😙

    ReplyDelete
  7. Naiyak ako pramis. Ayst! Pag ganito talaga napakaiyakin ko. Thanks KIBby. Andito lang kami ng babies nakaSupport. 😊

    ReplyDelete
  8. Ang ganda promise damang dama ko talaga..yung feeling na bigla bigla ka ng lang mapatingin sa nanay mo tapos sasabihan mo ng I love you. ������ Kuya KIB keep inspiring people �� *lovelots*

    ReplyDelete
  9. Ramdam ko. Ganyan si mama pero kahit kailan di ko nagawa yun sakanya. Minsan lang ako humingi ng luho kasi kadalasan ako na ang bumibili ng mga pangangailangan ko. Natuto akong magipon para di laging umasa sakanya. Di ko man madalas na maparamdam sakanya na mahal ko sya. Pero proud ako na ipagsigawan sa buong mundo ma sya ang mama ko

    ReplyDelete
  10. This is amazing. Shems. Npaiyak ako rito 😢

    ReplyDelete
  11. Apat na storya sa blog mo na to ang nagpaiyak sa akin kuya. Idol na talaga kita. 😊

    ReplyDelete
  12. Ang hilig mong magpa-iyak, alam mo ba yon? hays.Nung nakita ko yung Jane (uyy, kapangalan ko lo), akala ko siya bida lels.

    ReplyDelete
  13. Bakit ganun yung name nya? Pia? Nickname ko yun eh.

    ReplyDelete
  14. 😭😭😭😭😭

    ReplyDelete
  15. That's why I'm so in love to my mama.

    ReplyDelete
  16. Bakit feeling ko ako si Pia? Ang sama koo. Gash. I love you na Ma. Nakakaiyak.😭

    ReplyDelete
  17. I love you Ma! 💓😘 Nakakagigil si Kib. Hahahahaha😭😭

    ReplyDelete
  18. Sobrang dama ko to. Yung tipong mapalaluha ka sa pagsisisi. Galing mo talaga magsulat

    ReplyDelete
  19. Bakit ngayon ko lang 'to nakita dito?😭😭😭😭

    ReplyDelete
  20. Ramdam ko to' pero si mama iba. Ako yung namamalimos ng pag-aaruga niya. Ewan ko ba sa dinami dami na ng pagkukulang niya sa akin di' ko pa din kayang magalit sa kanya. Mahal na mahal ko Mama ko kahit na dumating na sa point na tinalikuran niya ako bilang anak at sumama na sa iba.

    ReplyDelete

Post a Comment