Annoucement:Hello guys! This website is for my random stories that will not be posted on Wattpad. Thank you and enjoy!

Santa Claus

Author’s Note: Sinulat ko ito kasabay ng Hell University. Na-post ko na ito dati pero maraming hindi pa nakabasa sa inyo. Hahaha. Hope you like it. lol

***




"Salamat po."

Ibinulsa ko ang limang pisong napamaskuhan ko. Napangiti ako na una palang bahay na napuntahan ko ay binigyan na ako.


Inayos ko ang mga latang nakasabit sa bewang ko bago naglakad papunta sa susunod na bahay.

"Pasko na naman. O kay tulin ng araw. Paskong nagdaan tila ba kung kailan lang. Ngayon ay pasko dapat pasalamatan. Pasko."

"Paksiw"

"Pasko"

"Paksiw"

"Pask-"

Kumunot ang noo ko kung sino ang umeepal na nagsasabing paksiw. Nakashort ito at nakagreen na damit. Nakangisi sya sa akin. Gwapo sya pero epal.

"Namamasko po."

Lumabas ang isang babae at aktong kukunin ko na ito ng magsalita ang estrangherong lalaking naka green.

"Ale naman. Sayang ang limang piso mo kung ibibigay mo sa babaeng namamasko na walang kwenta."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi nya at narinig kong natawa si Ate. Ibinigay nya sa akin ang limang piso at ibinulsa ko ito.

Pinamaywangan ko ang lalaking nakagulay na green na nakangisi.

"Sino ka ba? Epal ka ah. Wala kang magawa 'no? Tsk. Dyan ka na nga!"

Naglakad na ako papunta sa kabilang bahay at alam kong nakasunod sya sa akin.

"Dapat kung mangangaroling ka ay marunong kang kumanta. Hindi parang ulan ang boses. Ang sakit sa tenga."

"Ano bang paki mo? Mangaroling ka kung gusto mo! Epal."

Inirapan ko sya na ikinatawa nya. Sinumulan ko ng patunugin ang mga latang nakasabit sa akin.

"Pasko na naman, O kay tulin ng araw, pask-"

"Iyan na naman ang kanta mo? Ano ba 'yan! Nakakarindi."

Sa inis ko sa kanya ay binato ko sya ng stick at ang epal na lalaki ay tawa lang nang tawa. Nakakaasar. Ugh.

"Ano bang paki mo? Nakakaasar ka na ah!"

"Hahaha kasi naman miss. Dapat hindi lang isa ang alam mong pamaskong kanta. Kung ako ang may-ari ng bahay na pinamamaskuhan mo? Bubuhusan kita ng tubig."

Napangiwi ako sa sinabi nya. Hindi ko sya kilala pero malakas ang kulo ng dugo ko sa kanya. Nakakainis ang pagka epal nya. Nakakaasar.

"Alam mo kuya-"

"Reji."

"Wala akong pake. Pwede ba? Leave me alone!"

Nanlaki ang mata nya sa sinabi ko at tumawa ng malakas na animo'y ito ang pinakanakakatawang salitang narinig nya.

"Pft marunong ka naman palang mag-english."

"Anong akala mo sakin? Tsk. Mas edukado naman ako sa'yo. Tambay ka lang."

Ngumisi sya bago ako kinindatan. Pinitik ko ang buhok ko bago umalis don. Nakakaasar. Sira na ang gabi ko. Ugh.

"Jinggle bell Jinggle bell jingle to the way. Oh fat one. It is to fine. In a one world ok bye."

Halos mamatay-matay sa kakatawa ang lalaking estranghero. Napangiti ako na naiinis. Anong karapatan nyang tawanan ang kanta ko? Pinaghirapan ko kaya isipin 'yon.

"Hahahaha. Anong klaseng kanta 'yon? Hahahaha Di bale na. Huwag mo ng uulitin 'yan. Last mo na 'yan. Hahaha."

Napapadyak ako sa pagkadismaya sa katotohanang wala akong mapapala ngayong gabi kung andito ang asungot na ito. Nakakaasar! Nakakakulo ng dugo! Nakaka Ugh.

"Alam mo Reji? Hindi ka na nakakatuwa. Nakakasar ka na. Tsk. Kasi naman eh."

Tumulo ang luha ko na ikinatigil ng paghalakhak nya. Nataranta sya na hindi alam ang gagawin.

"Uy! Bakit ka umiiyak? Hindi naman kita sinaktan ah."

"K-Kasi naman ikaw eh."

Nagulat ako ng hilahin nya ang kamay ko. Parang naistatwa ako sa ginawa nya. Nagpatianod ako sa pagkakahila nya. Iniharap nya ako sa isang bahay na malaki.

"Sige na. Mamasko ka na dyan. Hindi na kita lolokohin. Huwag ka ng umiyak."

Kahit na umiiyak ako ay sinimulan ko ng pukpukin ang mga lata sa akin.

"P-Pasko na naman , O-Oh kay tulin ng araw. Paskong nagdaan t-tila ba kung kailan lang. Ngayon ay pasko dapat pasalamatan. Pasko. Pasko. Pakso na namang muli ang pag-ibig naghahari."

Mas lalo akong naiyak nang walang lumabas sa malaking bahay. Hindi ata nila nagustuhan ang kanta ko.

"U-Uuwi na ako."

"Sandale!"

Nagulat ako ng pumasok sya sa loob ng bahay.

"Patay. Magnanakaw pa ata ang estrangherong 'yon."

Aalis na sana ako ng biglang bumukas ang pinto. Lumabas dito ang isang babaeng nakapantulog na. Nakabusangot ito.

"Natutulog na ang tao eh. Pesteng batang 'yan. Sinira ang tulog ko."

Maganda ang babae na medyo matanda lang ng konti sa akin.

"Ah miss. Ito oh."

Nanlaki ang mata ko ng isang daan ito. "Naku po. Wala po akong sukli." Natawa ang babae sa sinabi ko.

"Pambihira. Sa'yo na 'yan. Sige na kunin mo at baka magwala 'yon kapag hindi mo kinuha."

Kahit naguguluhan ako ay kinuha ko din ito. Napangiti ako.

"Maraming salamat po."

Aalis na sana ako ng lumabas uli sa gate si Reji na nakangisi. Pinanliitan ko sya ng mata.

"Anong ninakaw mo?" tanong ko. Tumawa sya ng mahina bago hinawakan ang kamay ko.

"Ang puso mo. Haha joke. Tara na at ihahatid na kita sa inyo."

Namula ako sa sinabi nya at ang katotohanang hinawakan nya ang kamay ko.

"Anong pangalan mo?" tanong nya.

"Aira."

Matapos no’n ay tahimik na lang kaming naglalakad. Pinipigilan ko pa rin ang itanong kung ano ang ninakaw nya. Baka kasi akalain nyang interesado rin ako.

"Dito na lang. Salamat."

Ngumiti sya sa akin. "Mamasko ka ulit bukas sa bahay na 'yon ah?" Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at tumango ako.

Sa gabing 'yon ay hindi ako gaanong nakatulog. Lutang ang isip ko. Hindi mawala sa isip ko si Reji.

Lumipas ang mga araw na laging ganon. Lagi nya akong sinasamahan mangaroling. Isang araw nga ay pinapasok kaming dalawa ni Reji sa loob ng malaking bahay eh. Pinakain kami.

"Paano ba 'yan? Last na bukas ang pangangaroling? Pasko na."

Nalungkot ako. "Makikita pa ba kita?" tanong ko.

Tumawa sya ng mahina bago hinalikan ang likod ng kamay ko. "Ako ang santa claus mo. Of course makikita mo ako."

Napangiti ako.

Dumating na ang gabi. Todo ayos ako ng damit ko. Nag-make up din ako. I don't know why pero alam kong may mangyayaring maganda ngayon. Aaminin kong medyo nagugustuhan ko na rin sya. Madalas masungit sye pero pag nakikita nya akong iiyak na ay mabilis na hihingi sya ng sorry.

Hinanap ko agad sya pagkalabas ko ng bahay. Pero wala sya. Walang sumalubong sa akin gaya ng lagi nyang ginagawa. Walang ganang naglakad ako papunta sa malaking bahay.

Nalaglag ang panga ko sa nakikita ko. Buong bahay ay may Christmas Light na makulay.

Inikot ko ang paningin ko at umaasang makikita ko sya pero wala. Sinimulan ko ng pukpukin ang mga latang hawak ko.

"Pasko na naman. P-Pasko na naman. O kay tulin ng araw. P-Paskong nagdaan ti-"

Tumalikod na ako sa bahay na 'yon dahil hindi ko na kayang mamasko nang wala sya. Wala na ba sya? Akala ko ay sasamahan nya pa ako mamasko?

Natigilan ako nang makita sya sa gilid ng gate may dalang bulaklak habang nakangiti. Niyakap ko sya nang mahigpit.

"Akala ko iniwan mo na ako."

Kumawala ako sa pagkakayakap at tinanggap ang bulaklak na iniabot nya.

"Sorry. Aira? Ako ang santa clause mo tandaan mo huh? Mahal na mahal ka ni Santa Claus."

Napaluha ako. "N-Nagpapaalam ka na ba?" tanong ko.

"Babalik ako. Pangako." Naramdaman ko na lang na niyakan na nya ako.

Mainit na yakap…

Hanggang sa wala na akong maramdaman. Iminulat ko ang mata ko at wala na sya.

Simula noon ay lagi ko syang inaabangan tuwing pasko. Ang santa claus na buhay ko. Si Reji. May kamukha nga sya eh. Yung anak ng may-ari nung malaking bahay pero antipatiko 'yon. Nakakaasar sya.

Sana makita ulit kita kahit hindi pasko... Santa Claus ng buhay ko.



-Wakas-

Comments

  1. Si reji buhay pa! Walang cancer. Omg :>

    ReplyDelete
  2. Ang ganda ulit huhuhuhuhu Kuya Kib naman rhh :'<

    ReplyDelete
  3. Ang bitter mo puro walang happy ending kibby

    ReplyDelete
  4. Part 2! Dapat may cancer si reji HAHAHAHAHA
    PS. ANG GANDA NG BAGONG BG

    ReplyDelete
  5. Waaa! Ang ganda!πŸ˜πŸ’˜

    ReplyDelete
  6. Pero ayaw mo talaga ng happy ending no? πŸ˜‚

    ReplyDelete
  7. Part two bebe q! πŸ˜‚πŸ˜‚

    ReplyDelete
  8. Iloveyoudarling ❤ -babyinblack (BIB HAHAHπŸ˜‚)

    ReplyDelete
  9. Taray oh wala pang isang oras 1k agad ang view! πŸ˜­πŸ’ž

    ReplyDelete
  10. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  11. Pero wala ka ba talagang plano gumawa ng may happy ending? πŸ˜­πŸ˜‚

    ReplyDelete
  12. Antipatiko raw :< πŸ˜‚❤

    ReplyDelete
  13. Replies
    1. This comment has been removed by the author.

      Delete
  14. BAKIT GANTO YUNG STORIES MO HUHUHU

    ReplyDelete
  15. Ang ganda! Part twwwooooo kuyaaa

    ReplyDelete
  16. Yieee kakilig HAHAHAHAπŸ’–

    ReplyDelete
  17. Kuya kib hahah ganda. notis me

    ReplyDelete
  18. NATATAWA AKO NA KINIKILIG HAHAHAHA KASO NUBAYAN KUYA KIB E!! BAKIT PALAGING SAD ENDINGS???

    ReplyDelete
  19. KUYA KIB HINDI MO NA BA GAGAWAN NG PART 2 YUNG THAT ONE SUMMER???

    ReplyDelete
    Replies
    1. Lagi nalang may umaalis😒 Pero ang ganda ganda kuya ✋πŸ’•

      Delete
  20. hala omo ang hilig sa goodbyes ni kuya kib :( hoho wae

    ReplyDelete
  21. Kaluluwa lang ba siya? wahh Santa Clause :( <3 mah heart.

    ReplyDelete
  22. Feeling ko ako yung babae hahaha may A lang yung name hoho

    ReplyDelete
  23. Aheee gusto ko 'to, kasi hindi happy ending and short story. wala lang skl :/

    ReplyDelete
  24. May pinagdadaanan ka ba KIB? Bakit hindi happy ending? πŸ˜­πŸ’•

    ReplyDelete
  25. Ang ganda kahit di happy ending😍

    ReplyDelete
  26. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  27. shet nabasa ko na nga to dati kaya pala pamilyar yung tittle..ikaw pala kuya kib gumawa nun..nice nice

    ReplyDelete
  28. Sana bumalik si kuya Reji.. Hahaha xD

    ReplyDelete
  29. oh pakinshets AHHAHA sana ako din magkaroon ng santa claus magpapasko na eh.

    ReplyDelete
  30. ang bilis ng pangyayari, nagulat na lang ako ending na hahahahahaha.

    ReplyDelete
  31. Aigoo!! 😒 lagi nalang iniiwan 😒

    ReplyDelete
  32. Kuya!Ikaw yung Santa Claus ng buhay ko. Hihihi ako yung Aira mo

    ReplyDelete
  33. Nakakaiyak ba ulit yung Part 2? 😒

    ReplyDelete
  34. Kuya bakit puro ganito yung ending? Laging umaalis? 😒

    ReplyDelete
  35. Pero kuya ang galing mo talaga. Wae?

    ReplyDelete
  36. Bitin. Hahhaha. Wae,Kuya Kib? Wae? πŸ˜”

    ReplyDelete
  37. Malayo pa pasko pero sige na pagbibigyan na kita. hahaha! lol

    Pag namasko ba ako sa bahay niyo, bibigyan mo kong 5 piso? Syempre joke lang. Mahal pamasahe eh haha. Although willing naman ako pumunta sa
    Pampanga for you darling. just say so. Lels. Charaught

    ReplyDelete
  38. Bakit Hindi na bumalik si santa claus

    ReplyDelete
  39. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  40. Anong problema ng mga character na lalaki bakit sila nagsisipaglayas? πŸ˜– Part two Kib! πŸ’“

    ReplyDelete
  41. Omg! Knowing na sa mismong birthday ko pala ito pinublish and kapangalan ko pa! Omg! I love you kuya kiib!! Kahit late ko na nabasa to, para sakin best birthday present to para sakin!! Omg! Thank youuuu!!

    ReplyDelete
  42. Di ata nagloading yung kinomment ko 😒

    ReplyDelete
  43. Sana lahat ng nangiiwan bumabalik. Hay nako. Yaw konanga πŸ™ˆ waiting na lang sa updare. KIBby. Kahit dito man lang sa mga story balikan nila iniwan nila. πŸ™ˆ

    ReplyDelete
  44. Sana lahat ng nangiiwan bumabalik. Hay nako. Yaw konanga πŸ™ˆ waiting na lang sa updare. KIBby. Kahit dito man lang sa mga story balikan nila iniwan nila. πŸ™ˆ

    ReplyDelete
  45. Di ata nagloading yung kinomment ko 😒

    ReplyDelete

Post a Comment