HU (Supremo's POV)
KIB: Ito ang story ko na mababasa nyo sa Reedz5. Ipinost ko na para sa mga hindi makakabili ng book! And… Na-miss ko rin kasi sila Zein and Ace eh hahaha! Enjoy reading! Chapter 25: Birthday Supremo’s Point of View Kanina pa ako pasulyap-sulyap sa wall clock dito sa office namin. Kanina pa rin ako naririndi sa mga sinasabi ni Miss Kath. “Ano na President Ace? Darating pa ba ang secretary mo?” she asked again. Kulang na lang ay takpan ko na ang tainga ko. “Hindi mo matatapos ang mga ‘yan hanggat wala sya.” Gatong naman ni Vice Ty. “Just mind your own business.” Hindi ko naiwasang masungitan si Vice President Onel Ty. “Hindi naman kayo ang matatambakan ng trabaho.” Inis na tumayo ako sa upuan ko at lumabas ng office na ‘yon. Hindi ko maiwasang makaramdam ng pagkainis kay Miss Shion. Napagpasyahan ko na lang na dumaan na muna sa dorm nila at magbabakasaling naroon pa siya. Bawat estudyanteng makakasalubong ko ay bumabati, ang iba ay yumuyuko pa. Hindi kalayuan ay natanaw ko